"Dati kasi tambay lang ako ... pero nabago ko ang sarili ko. Nagkaroon ako ng respeto sa sarili ko." Nang ma-kick-out si Adzhar Baluan sa school, akala niya ay nawalan na siya ng pagkakataon upang paunlarin ang kanyang sarili. Sa simula ay inisip niya ang maghiganti sa gurong naging dahilan para matanggal siya sa eskwela. Nakilala rin siya sa kanilang barangay na bilang isang tambay na nanggugulo tuwing gabi. At dahil na rin sa kakulangan ng mga options na available sa kanya, nagsanay siya sa paggamit ng armas sa Tipo Tipo, Basilan. Ano nga ba ang mga pinagdaanan ni Adzhar sa kanyang buhay? Paano nanumbalik ang tiwala niya sa kanyang sarili? At ano ang nagbunsod sa kanya na maging inspirasyon sa kanyang mga kapwa Basileño? Panoorin ang unang #Magiting Shorts, isang serye ng mga short films tungkol sa mga ordinaryo ngunit #magiting na Pinoy.
Youth Leadership
Video